Baliw na puso
Ang pagsasama natin ay di ko inaasahan, Hindi ko pinapangarap,dumating ng biglaan Wala akong mapuntahan, walang matakbuhan, Ikaw may walang wala,ako'y iyong dinamayan Ako'y binigyan mo ng tirahan na masilungan, Ito may pansamantala lang,ako'y nasiyahan Pagkat sigurado akong pagdating ng ulan, Sa isip koy wala ng pangamba't alinlangan. Isang araw napansin ko na lang, Turing mo sa akin hindi na isang kaibigan. Ako'y bigla mong niyakap at hinalikan, Wala ka namang sinabi, di man lang ako niligawan. Nalilito ako hindi malaman ang gagawin Dahil hindi ito ang gusto ko mangyari sa akin. Ako'y nagtatanong lumuluha ng lihim, Pagkat isipan ko'y magulo't madilim. Ako ba sayo'y nakatali na? Sa pagmamahal ba ako'y malaya pa? Oo alam kong ako'y may kalayaan Na pumili ng taong makalambingan. Ngunit ewan ko, anung sa akin ay pumipigil, Na umalis at sayo'y mag-iwan ng pirasong papel. Doo'y nakasaad pamamaalam ko't pasasalamat. Ika'y nandy...
