Baliw na puso

 

  



Ang pagsasama natin ay di ko inaasahan,

Hindi ko pinapangarap,dumating ng biglaan

Wala akong mapuntahan, walang matakbuhan,

Ikaw may walang wala,ako'y iyong dinamayan




Ako'y binigyan mo ng tirahan na masilungan,

Ito may pansamantala lang,ako'y nasiyahan

Pagkat sigurado akong pagdating ng ulan,

Sa isip koy wala ng pangamba't alinlangan.




Isang araw napansin ko na lang,

Turing mo sa akin hindi na isang kaibigan.

Ako'y bigla mong niyakap at hinalikan,

Wala ka namang sinabi, di man lang ako niligawan.




Nalilito ako hindi malaman ang gagawin

Dahil hindi ito ang gusto ko mangyari sa akin.

Ako'y nagtatanong lumuluha ng lihim,

Pagkat isipan ko'y magulo't madilim.




Ako ba sayo'y nakatali na?

Sa pagmamahal ba ako'y malaya pa?

Oo alam kong ako'y may kalayaan

Na pumili ng taong makalambingan.




Ngunit ewan ko, anung sa akin ay pumipigil,

Na umalis at sayo'y mag-iwan ng pirasong papel.

Doo'y nakasaad pamamaalam ko't pasasalamat.

Ika'y nandyan sa tuwing ika'y kailangan.




Lumipas ang panahon,ako'y nagtanong pa,

Ikaw ba talaga ang gusto kong makasama

Ngunit sa tuwing ikaw sa akin ay malayo,

Ramdam ko ikaw ,hanap ng aking puso.




Ano ba talaga ang gusto ko?

Nais ko ba'y matalino at gwapo?

Manatili sayo, ako'y nalilito

O siguro nga ako ay may baliw na puso!

Comments

Popular Posts